Eksenang Box Office Hit
Kung merong tunay na box office hit sa takilya hindi ang pelikula ni FPJ, Aga, Ai-ai o Kris Aquino... kundi ang Eksena tuwing umaga sa MRT North Station. Kung mapupunta ka ng MRT bandang alas siyete hanggang alas nuebe ng umaga siguradong isa ka sa mga taong mapapatanghod kung may luluhod na talaga galing sa hagdanan ng north station papunta south. Pangalawa, dahil sa sobrang siksikan... pawis na pawis ka at hulas ang hitsura pagdating ng opisina. Mag si CR ka muna para ayusin ang sarili mo. Extra Powder.. extra cologne o pabango. Araw araw ganyan kaya magastos din sa supplies para mag mukhang fresh... Pangatlo, dahil sa bwisit na inabot mo sa MRT tuwing papasok ka bad mood ka na.... pag harap mo sa trabaho inis ka na. Minsan isang araw sasabihan ka na lang ng boss mo kung gusto mo ng magpahinga.... ng medyo matagal. For all you know... nag reflect na sa trabaho mo yung mga mumunting engkwentro mo sa MRT. Hindi lahat ng box office hit ay talagang magandang panoorin.... argumentum ad populum
Parang langgam ang mga tao. Dikit dikit -- lahat ang aim ay makapunta sa hagdan na mistulang prusisyon ang pagpanik papunta sa tuktok. Grabe hindi lang isang linggo ito araw araw blockbuster talaga.
Tsk tsk wala na talagang tiwala sa katinuan ng EDSA ang mga tao kaya MRT ang punta. Di na ako magtataka kung minsan ay lamunin na ng tao ang kalahati ng EDSA sa may north station makapanik lang sa kapanapanabik na MRT. Sa palagay ko kahit maging 30 pesos ang pamasahe sa MRT dudumugin pa rin ito ng mga tao pero sino ba naman ang may gustong tumaas ang pamasahe sa MRT? Ako!? ako nga ata... makasarili pero para tumaas sana ang antas ng serbisyo ng MRT.
Tuwing umaga kasi at naabutan ko ang MRT sa blockbuster mode... naitataas ko ang kamay ko para parahin ang unang TAXI na sana ay isakay ako. Nararamdaman ko kasi kung gano kahirap ang maging mahirap para makipagsiksikan sa MRT makarating lang ng mabilis sa Ayala. Hinahayaan ko na lang na hantaran akong nakawan ng taxi driver sa mga linyang... dagdag na lang po ng 20 pesos sa flag down.... traffic po padagdag na lang sa flag down. Haaay... magastos pero tinitiis ko. Di kasi mababayaran ng 150 piso ang ginhawa ng nakaupo ng maayos, hindi natutulak na parang busabos, na walang naamoy na pawis..malibang na lang kung ang driver ay may pu...k at nakakarating ng matino ang hitsura sa dapat puntahan.
Di ko alam kung kaartehan ito pero yun ang magdidikta ng 60% ng asal mo sa trabaho. Sa tingin ko hindi rin nakakatipid ang mag MRT sa umaga lalo nat galing ka sa north station: Una, sa tulakan at sobrang siksikan sa loob ng tren sigurado pagbaba mo gugustuhin mong huminga ng maayos at uminom dahil tagaktak na ang pawis mo. Mapipilitan kang bumili ng tubig o softdrinks pagbaba or worse

0 Comments:
Post a Comment
<< Home