YUN NGA!

Monday, February 27, 2006

A week in Singapore --Not so Chinese

Nadumihan na naman ang passport ko last week, Singapore naman ang drama ko this time. Pero bago madumihan ng Immigration officer sa Singapore ang passport ko, nalibot ko ang terminal 1 and 2 ng Changi Airport. Masama talaga ang di nagtatanong... sa yabang ko na rin sa loob loob ko marunong naman akong umintindi ng english at may arrow naman. Ayun nababa ako sa maling terminal, natawa pa ang Immigration Officer sa kabila daw ako dapat nag exit at dun ko kasi makukuha yung baggage ko. Smile na lang ang lola mo baka i-airport to airport pa ako kung mag magaling ako. In fairness 30 days ang tinatak niya.
Ang ganda ng Changi Airport malinis maayos ang directions ako lang ang hindi. Sabi ng ka-officemate ko na nauna sa dulong kanan daw ako mag-taxi yung metered para mura at di dun sa airport taxi. Totoo nga, may metered taxi at may airport taxi. Napangiti akosa hitsura ng taxi reminds me of HK ganun na ganun ang specs ng Toyota na taxi sa HK. Pagbaba ko sa apartment namin may sukli ang 20 dollars ko dahil 16.90 lang yung taxi. Ang driver 3.10 talaga ang sukli sa akin. Haaay I am really not in the Philippines... nakakapanibago wala ang mga taxing parang holdaper. kung sa Pinas yan titingin na lang sa rear mirror para bang sinasabi wala ng sukli. Naalala ko tuloy on my way sa airport ng centennial nung madaling araw naka 2 para ako ng taxi yung una 400 daw ay akala niya papatulan ko siya...GO! yung pangalawa 300 na lang daw ay GO! ulit pambihira madaling araw wala namang traffic tas pe-presyuhan ka. Pambihira talaga!
Para din talang HK ang Singapore puro condominium type ang bahay ang difference lang sobrang linis. Maganda nga dito kaso gusto ko pa rin ng bahay na may sariling gate, garden hehehe. As usual litong lito ako sa mag direksyon. Halos puro mukhang Ayala-Glorietta at Rockwell ang Singapore. Puro magagandang building. At shempre nalilito din ako kung Singapore ba ito o India. Dapat at hindi Singaporean ang tawag sa mga tao dito dapat ata Indianese or Chidian hehe depende kung sino ang mag claim ng mas majority sila.
Second day, na try kong mag MRT at bus. Winner ang bus libre hatid from Suntec buidling to City Hall halos lahat ng major buidlings dun may free ride. Winner talaga. Ang MRT parang reminiscent din ng HK MTR kaso parang mas maganda ang lay-out ng MTR sa HK halos train lang sasakyan mo to roam around. Kung meron mang ikinahigit ang MRT ng Singapore, ito ay ang nakakapanindig balahibong amoy sa loob. Di ko maipaliwanag ang kakaibang baho na pinaghalo halo. Walang pinagkaiba sa taxi, talagang strictly naka metro pati 10 cents ibabalik nila sa iyo pero ang kapalit ay ang pagtitiis sa masamang amoy ng driver. Ang Diyos talaga fair... you can't have it all masyadong maganda ang buhay sa Singapore kaya pinabaho na lang Niya ang mga tao.
Habang tumatagal nare realize ko na hindi lang talaga Chinese ang majority ng population sa Singapore siguro better half nila ang mga Indians or Indian type :-P (Indonesians) Sa mall, sa public transpo, sa offices laging may Indian... from blue collar jobs to top positions pati sa TV and Singapore Idol ha. Malaki na rin sigurpo ang influence nila sa Singapore (pati sa amoy).
Lahat ng gusto kong bilihin tinatangka kong i-convert sa peso. Wala lang kung masyadong mahal para ko lang inasar ang sarili ko. Yung 90 cents na pamasahe almost 30 pesos na rin ha so mahal pero disente naman ang bus sa kanila hindi sardines type. Otherwise sobra na talaga baka nakakahawa ang amoy... Pati sa fastfood 3.5SG$ may meal ka na pero wala pang drinks. So parang 100 pesos pero kung nasa manila ka kakain ka kaya ng ganung noodles? hmmm. Wala ka talagang makakain kung mag co convert ka so ang inisip ko na lang kung mag co-convet ako at hindi kakain eh di mamasahe ako Pinas at dun ko ibili ang 5SG$ ko...jologs diba.
Mahigpit daw sa Singapore, law abiding ang mga tao pero may mangilan ngilan na pasaway yung tumatawid sa maling tawiran gusto ko ngang sigawan eh kung pinoy siya. Yung 10 years in the making ni Bayani Fernandong EDSA yellow lane, drop off with matching counter, pink chenes.... eh way of living na sa Singapore. Ang mga tao sa bus stop lang pwedeng bumaba at sumakay. Encouraged din ang mga tao na pindutin ang buzzer kahit malayo pa yung next stop para di natataranta ang 'captain' . Dito pag bababa ka sa bus kailangan tumayo ka na dahil pag hinto kailangan tumalon ka na kung hindi baka sa next stop ka pa ibaba. Trust basais din ang pagbabayad sa bus kung wala kang card. 90 cents i do drop mo at may resibo pang lalabas. Kung dito sa Pinas i-implement yan baka puro tingga at pinitpit na tansan ang makuha sa drop box.
For one week naramdaman ko rin kung pano mapabilang sa isang 1st world country... sana one day maging kasi advance at disiplinado din ng Singapore ang Pinas. Naiinggit ba ko.. siguro... di kasi obvious ang status ng tao (mahirap at mayaman) dun at super linis, pero wala silang bahay na may bakod, pedicab pag tinatamad kang maglakad at toothpaste sa sachet :-)

Wednesday, January 18, 2006

SM at ang BDO

Pustahan tulad ko meron ka ring discount card or membership card na ginagamit sa favorite stores mo. Well ako sang katerba pero pinaka gamit talaga ang Suki Card at SM Advantage Card ko. Winner ang SUki Card ng Mercury, bawat 200 may 1 point. Tapos ma co convert mo ang points instantly pag nag purchase ka. 1 point is 1 peso. Aba sa gatas ng bata malaking savings kung may 20 pesos na discount ka. Pag birthday mo at bumili ka sa Mercury may greetings pa :-) Kaya ang Suki Card ko parang McDo.. Love Ko To!

Nung lumabas ang SM Advantage Card, kasehodang may bayad... nag avail agad ako. Aba dinadayo ko pa ata ang SM San Fernando para mag grocery at shempre sa SM kami madalas mamili. Kada bayad swipe! Sayang ang point no... sa catalog nila kahit anong magustuhan mo sa loob ng store pwede basta kaya ng accumulated points mo. Well yun nga lang ang problema ang points delayed mo malalaman kung na earn mo na. Ok lang naman nung una kasi start up ika nga. Few months later nag release pa sila ng BDO MasterCard at DOUBLE ang points pag yun ang pinambayad mo. Haaay triple winner talaga. Kaya akong loyal sa HSBC apply agad. Atat! IN a few weeks inquire pa ako sa Call Center nila kaso kasamaang palad DECLINED ako. Haay I have to live with paying cash and earning points in cash.

One day habang busy ako sa office may tumawag sa akin. Surprisingly its from Banco De Oro, aba pre approved daw ako para magkaroon ng card nila. Yahooo.com talaga sa wakas I will earn double point sa SM. Tinanong ko pa baka ahente ka lang ha sagot niya hindo po sa Head Office po ako. Wait lang daw ako ng 2 to 3 weeks and my card will be delivered. Yahoo.com ulit. Sa dami ng work nalimutan ko na ang kapanapanabik na BDO Master Card na yan. Hanggang sa isang araw after almost a year ... may tumawag sa akin... from Marketing ng BDO daw. Parang replay nung unang tawag sa akin.. Pre-approved daw ako na magka credit card nila. Shempre adelantada ako. Oh I am just waiting for my card someone called me up na. Sagot ng lalaki talaga po ma'am sige check ko po yung status at tawagan kita ulit. In a few minutes.. heto na agad ang boylet. Ma'am declined po yung application nyo. TING! hmmm eh baka yung una yan yung August 2003... declined nga yun. Check mo na lang ulit. Sabi niya wait lang po. Magalang naman in fairness. Ma'am declined po ulit yung application nyo. TING! TING! TING! ayun na ang umagang maganda ay nasira sa isang iglap. Di ko napigilan naka pag Ingles ako ng dire direcho. Well I did not applied for the 2nd time. How come I was DeCLINED and here you are talking to me few minutes ago that I am pre-approved. Sorry po ma'am yun ang nakalagay sa system namin. TING! TING! TING! lalo akong naburaot. Really?! What kind of stupid system do you have. How did you get my name saying I am pre-approved when in fact your records shows that I was declined twice! Don't you think you are working for a stupid company then? Sorry po talaga sabi niya. Medyo nahimasmasan ako at naawa sa pag sorry niya kaya ang nasabi ko, HINDI AKO GALIT SA IYO HA but i am so vexed! I don't want to hear any call from BDO again! EVER! Sabay baba ng phone pero di ko naman binagsak.

Haay para akong butane na kasalukuyang nagliliyab. Naisip ko agad ang SM Advantage card ko gumuho na ang maliit kong pangarap. Shempre mamimili pa rin ako sa SM whatever. Kaso after a few weeks eto na ang SM Advanatage Card ko na one month na lang eh mag eexpire na... naisipan kong inquire ang points. Well after 2 years of swiping the magnetic card with the CHIP na mukhang display lang. I have earned 228 points... Hmmm i have spent thousands of pesos grocerying and shopping at SM pati TV, washing machine etc dun ko binili maka earn lang ng linktik na points. So tinanong ko ang sales lady kung bakit ganun. Late daw ang posting ng points. So parang mga batch processing ito na bi-annual? My sister is likewise complaining aba. 10K grocery every half of the month... and she got only 400 points. Bumili rin ng TV, DVD kasehodang di type ang brand kasi earn 200 point extra binili ang namei na brand. Well mukhang niloloko tayo ng SM. In short di ko na ni-renew. At parusa ko na sa kanila sa lahat ng araw na bumibili ako na sumabatan ang kahera sa tuwing magaalok. Ma'am may advantage card kayo? "wala akong DISadvantage card" Gusto nyo pong mag avail sayang ang points... "walang nasasayang na points kasi ang points parang pagong bago makapasok sa card at minsan inaanod pa... nawawala" pag sumagot ng hindi po late lang credit...."ang laki laki nyong kumpanya simpleng rewards system di nyo maayos napag hiwalay nyo nga ang VAT sa NON-VAT items tapos ang points na per 200 purchase hindi maipalabas kada transaction... POOR SM! Mabuti pa ang Suki Card ko instant points instant rebate" sabay kuha ng sukli at layas. Yan ang standard spiel ko sa kanila.

Akala ko tapos na ang aking encounter sa Henry Sy companies. Well just this christmas nag plan kaming mag open ng savings account sa BDO for our paluwagan 25K ang initial depo. Me being the chairman and the treasurer, kailangang mag open ng joint account. We chose BDO kasi extended ang transaction time. So i have to eat my pride pasok sa BDO at apply. Eto ang siste nanghingi ng ID so company ID at drivers license and dala ko. The teller told me, ay maam asan ang resibo ng drivers license nyo. Shempre ang sagot ko... wala na eh ayan na nga yung totoong lisensiya tas yung OR na tempo license pa ang hinahanap. Di daw valid yun pag walang OR. Ha?! eh pag nahuli nga ako bawal ang OR yung card ang kailangan. Ganun daw kasi ang policy hmmm.... Ang alam ko pag papel ang license dapat may OR pero pag plastic hindi. Pa pa approve daw niya. I even attempted to bring out my credit card, atms, etc. So pati yung treasurer namin hinahanapan ng ID unfortunately PRC license ang dala niya at company ID. Ang hirit ng teller di daw standard ID ang PRC license TING! Kelan pa naging sub-standard ang professional license?! Pa-approve daw niya. Di na ako nag dalawang salita, amin na ang mga IDs we are not opening an account in thin PATHETIC Bank. Aba kami na mag dedeposito kami pa pahihirapan. BDO hellooooooooo.... nakakasulasok talaga ang proseso nyo. Malamang hindi significant ang amount na dinedepo namin pero baka nakakalimutan nilang every peso counts in their business.

Is there a reason for me to love this companies? WALA.... kung points din lang ang pag uusapan who cares?! I have my SUKI Card na instant ang rebate and I havemy ever reliable HSBC MasterCard. Ang SM is in short for Sana Matauhan at BDO for Banko Daw Oh!

Sunday, July 31, 2005

Kwentong Bato, Taxi at Obese sa Isang Araw

Ilang Linggo na rin ang nakakalipas mula ng malaman ko sa Annual Physical Exam naming na may malaking bato sa gall bladder ko. Linggo lingo suki ako sa clinic para mag follow up ng final results ng ultra sound. Araw araw din para akong napapraning. Sumakit lang ang tagiliran ko pakiramdam ko yung gallstone ang dahilan. Bago pa kasi ako na ultra sound isang lingo na akong sinisikmura, isang lingo ko na rin akong ngumangalot ng Kremil-S at umiinom ng H2Bloc. Sabi ng Doktor isa din daw yun sa sintomas ng may mga gallstones. Kahit anong antacid ang inumin walang epekto.

Finally, dumating na rin ang results ng physical exam. Lahat pala ng result ay iinterpret ng doctor para sa empleyado. Bago na ang mga doctor sa clinic wala na si Ina Magenta at si Ate Luds na kaboses ni Helen Vela. Sila yung madalas na magpalitang doctor sa clinic. Lalaki ang naka schedule na doctor, mukhang Chinese at payat reminds me of Uncle sa Jacky Chan cartoons.

Gusto ko na talagang malaman kung confirmed yung gallstone ko kasi binabasa pa ni Uncle yung results at nang bumukas ang bibig,"hmmm Jane sabi dito sa APE report mo, OBESE ka, "sabay ngiti ng pigil.

Di ito ang tamang panahon para mag taray kaya nasabi ko na lang, “ hehe wag nyo na pong ilakas nakakahiya.” Ngumiti lang si Uncle. Atat na talaga ako, gusto ko na talagang ma confirm ang results para mawala na yung kaba ko at maka-advance na sa next step ika nga.

“May mild urinary tract infection ka kailangan mong magpa urinalysis ulit. May bato ka rin daw.” Finally, ang hinihintay ko. “Medyo malaki siya ha,” sabay kuha ng ruler para imuwestra ang 1.4 cm na bato. “Ganito na siya kalaki.” Haay pambihira alam ko naman kung gaano kalaki ang 1.4 cm. “Ang position niya ay malapit sa neck ng gall bladder mo going sa bile duct.” Kinabahan ako kasi ang alam ko pag malapit dun delikado. “Kailangan mong matingnan ng surgeon para ma verify kung ano ang dapat gawin pero normally pag ganyan kalaki at malapit sa neck tinatanggal.”

Handa ako sa mga narinig ko pero itong huling linya ng doctor hindi ko talaga napaghandaan. “Normal lang uric acid mo pati blood sugar. Aba mababa ang cholesterol mo below the normal range. Ang MATATABA hindi naman bawal kumain ng MATABA.” Grrrrrrrrrr asus ayos na sana ang parting comments dinagdagan pa.

Magalang pa rin ako, “okay po thank you Doc.” Umalis na ako agad baka may lumabas pa ulit sa bibig ni Uncle at may iba ng lumabas rin sa bibig ko… gaya ng apoy.

Nung araw na ring yun nagpunta ako sa pinaka main clinic ng kumpanya ditto sa Makati. Nandun kasi yung mga specialist gaya ng surgeon. May endorsement letter ako para matingnan.

Umuulan ulan nun kaya nag-taxi ako. I only have P100 in my pocket tama na siguro balikan. Sakto may taxi na dumaan sa likod ng office. Di naman traffic kaya nakarating agad ako. Pagbayad ko sa taxi wala daw siyang barya. Eh wala talaga akong dala kundi ang 100 pesos. “Patay libre pa ata,” side comment ng taxi driver. Automatic nagpanting agad ang tenga ko, “Hoy mama hindi ako nagpapalibre, kasalanan nyo kung wala kayong panukli hindi naman barya pasahe sa taxi.” Kaasar talaga kung mga 70 pesos ang patak ng metro talagang ibabatok ko sa kanya yung 100 keep the change kaso 37.50 lang aba pare pareho lang naman kaming nagtatrabaho.

Buti na lang nandun ang surgeon at ako na agad ang next in line. Nabawas bawasan ang inis ko sa driver. Tinawag na ako ng doktor. Nakita yung APE report ko at endorsement galling kay Uncle.

Pinaliwanag sa akin ng doktor yung position ng gallstone ko. Delikado pala kung bumara yun sa neck na tinatawag kasi pwede talagang mag rapture yung gall bladder mo. Maninilaw ka na lang pala bigla pag nag rapture ang gall bladder at shempre may pain. Akala ko dun na nagtatapos ang lahat at eendorse nalang ako sa Makati Med, “Kasi yang bato sa apdo common talaga yan sa mga 4Fs. Female, FAT, Forties at Fertile.” Sabay ngiti,”bata ka pa pero mataba ka kasi.”

Pambihira humirit pa may bato na nga. Oo na oo na OBESE, MATABA may BATO. Pero shempre ngumiti lang ako yung hindi labas ang ngipin kasi nag uunahan na naman ang mga apoy sa bibig ko nagbabadyang lumabas.

Ayos ang araw na ito nahiritan ako ng mga doktor ng walang kalaban laban mula kay Uncle hanggang kay Doc Surgeon.

Wednesday, June 01, 2005

Reminiscing.. Ang SLUMBOOK

Name: Maria Cristina Lorena C. Patok
Address: 123 Kaigaigaya St. Sta Mesa, Manila
Age: 13 years old
B-day: November 12, 1984

Looks familiar ba sa iyo? Hindi biodata yan o resume eto pa...

Zodiac Sign: Sagittarius
Favorite Color: Red or Blue
Favorite Cologne: Johnson's baby cologne (yung white)

Di mo pa rin alam? Iba siguro pagkabata mo. Slum book yan. Minsan autograph ang tawag. Nung sabado dumalaw ako sa mga kapatid ko. May nakuha ako sa salang maliit na notebook. Garfield ang design sa ibabaw nakatatak AUTOGRAPH. Nakatihan kong buksan. Walang duda sa pamangkin kong babae. Malamang kaya hindi na tinatago eh may bumaboy may mga notes na nakasulat sa iba't ibang pahina na pangit... taba...negra. Walang duda ang bruskong kapatid na lalaki ang nagsulat, pero wag ka nag fill out din ng isang set.

Dito ako nag simulang mapangiti:

Friend 1
Motto: The golden rule

Friend 2
Who is your crush? To many to mention

Pamangkin
Who is your first kiss? Mama, Papa

Friend 2
What is crush? its paghanga

Friend 4
What is love? love is like a rosary that is full of mystery

Bumigay na talaga ako katatawa. Nagbalik lahat ng alaala ng slumbook ko mula elementary hanggang high school. Minsan sa isang taon 2 beses ka pa gagawa ng slumbook kasi may bago kang crush pero ubos na yung pages ng una mong slumbook kaya gawa ulit ng bago.

Siguradong di mawawala sa slumbook kahit isang entry ng motto ' to see is to believe'. Always one of the entries din sa tanong na what is love ay ang 'love is pag-ibig'. At ang pinaka winner sa lahat... when was your first kiss? 'when i was born' na karugtong ng first kiss answer na si 'mama at papa'. Sino kaya ang nauna talagang humalik kay mama o papa baka nga yung doktor pa :-) May classic na sagot din sa tanong na,' what is your ambition? ' To be successful... to be rich or to be someone someday.

Dumating din ang time na may nadagdag sa pahina ng mga slumbook... ang dedicate your favorite song. Ang mga usong kanta idedicate sa friends, family at crush. Every thing I do, I Do it for you - to may crush. Pag binalikan mo kung sino ang crush... 1015114. Tumpak numero ang makikita mo, mas exciting na sagot kesa sa tradiyunal na 'secret'. At walang pinagkaiba sa Da Vinci code... kailangan mainterpret mo kung sino tao sa likod ng mag numero. Birthday kaya ito? Initials? Weight at Height at Waistline? hehehe pero pag equation a sa math ang pag uusapan asus di mo maasahan.

Di mawawalarin sa slumbook ang mga patalinhaga effect ika nga. gumagawa ng sarili nilang quotation para maiba sa halip na mag research ng magandang sayings. Dahil sawa na ang lahat sa love is like a rosary... kaya naisapan ng iba na isulat 'love is like a burning candle'. Hmmm may dating sa unang basa pero pag tinanong mo kung bakit? Ngingitian ka lang. At yung iba kokopyahin na lang ang nasa kanta tipong 'love is like a river'.

At ang di masyadong pinapansin ng mga nakikibasa ng slumbook...ang DEDICATION. 90% ng nakikibasa di na papansinin to (interesado lang sa personal questions page) pero ako aliw na aliw magbasa ng dedication. Tulad na lang ng isang kaibigan ng pamangkin ko...

Dear Kate,

Thank you for your idea in writing me to your slumbook. Stay cute.

love,
Kathleen

Di ko alam kung nagbago na talaga ang panuntunan sa pagsususlat sa Ingles sa mga public school. Lahat halos ng makita kong slumbook written in english ang dedication kasehodang hirap na hirap mag construct ng maayos na message. Sa high school slumbook ko, marami rin naman na maayos ang pagkakasulat ng mensahe at panalo sa creativity...

Dear Jane,

Thank you very much from the bottom of my red heart. Keep your niceness to me always and forever as your friend. Don't forget me even if you so far away and we are apart. i love you.

Godspeed,
itago na lang natin siya sa pangalang Lala

***

Dear Jane,

This is the first time that I will write to a beautiful and cute slumbook like this. This is a great opportunity for someone like me. Thank you for being a friend to me. Stay as sweet as you are and I will always too.

hugs and kisses,
itago na lang natin siya sa pangalang POOCHIE

P.S.
Smile always.

***
AT ANG WAGI SA LAHAT:

Dear Jane,

Thank you for allowing me to write in your slumbook. I hope to be your friend always. I know you will be successful in life beacuse you are good. Take care of your self. God Bless you.

J-ust
A-lways
P-ray
A-t
N-ight

Forever,
itago na lang natin siya sa pangalang ROSA


Siguradong napapangiti ka at baka isa rinsa nagsulat ng Remember this... I-Trust-And-Love-You (ITALY) at Men-Always-Remember-Love-Because-Of-Romance-Only (Marloboro).

Thursday, May 05, 2005

ProPeySyunaL

Mahaba haba ang bakasyon nung nakaraang Linggo. Kung meron mang iginanda sa kasalukuyang administrasyon yun ay ang paglilipat ng holidays sa araw na may pasok. Sa halip na mapahinga sa bahay sa ospital kami nauwi kasama ang bunso kong anak. Ang hirap talaga pag bata ang may sakit... siguradong ngangat ngatin ng awa ang puso mo kung makita mong nakahiga at may dextrose.

Sa isang maliit na ospital lang nadala ang anak ko kung saan nagki clinic ang kanyang pediatrician. Dahil nga dun ang clinic ng pedia (sa Malolos dahil may clinic din siya sa manila sa Delos Santos) kampante ako at nanduon ang doktor ng anak ko. Gusto sana niyang dalhin sa maynila ang bata at duon i admit kaya kinabahan ako, pero dahil kailangan na ng hydration ng anak ko napilitan siyang duon i-admit ang bata. Baka daw madehaydrate ng tuluyan ang bata kung ibabayahe pa sa M. Si doc ang nagkabit ng dextrose ng anak ko IV sa linguwahe nila. Di makita ang ugat sa kamay kaya sa paa nilagay. Nung nakaalis na si doc at pumanik na kami sa silid na magiging pansamantalang tahanan namining mag-ina, natanggal ang dextrose ng bata. Parang eksena sa programang Nginig... umaagos ang dugo sa binti ko na galing pala sa paa ng anak ko. Akala mo ba ako ang nataranta asus yung nurse (tawagin na lang natin siyang Nurse Ah) ang napasigaw... Wala na raw si doc sino ang magkakabit ng dextrose. Medyo naguluhan ako kasi 2 beses na akong nanganganak at puro nurse ang nagsaksak ng dextrose sa akin sa ibang ospital sa Malolos din. Buti na lang may cellphone natawagan namin si doc na hindi pa nakakalayo. Sa makatuwid naikabit sa kabilang paa ang dextrose. Awang awa ako sa bata namaos na kaiiyak. Tusukin ka ba naman for the 2nd time around.

Paglabas ko ng room naglilitanya si Nurse Ah day off day siya ngayon at napasubo daw siya pagmamagandang loob pumasok sa hospital. Matay ko mang isipin saan kaya siya napasubo? Nagtu turn over ng doctors order sa isa pang nurse (tawagin na lang nating Nurse Bah). Sa unang tingnin pa lang medyo mas malala ang hitsura niya kay Nurse Ah. Una, di hamak na malaki siya sa malaki ko ng pangangatawan sa makatuwid maaring mabiogat ang kamay ng nurse na ito. Pangalawa, shower ang bangs niya naalala ko tuloy nung nasa kolehiyo pa ako na halos lahat kaming magkakaklase ay may bangs na kailangan halos masundot ang mata mo sa haba. Wala lang malimit ko kasing makitang nurse ay nakahawi ang buhok kung hindi man naka hair net. Pangatlo medyo basa ang uniporme nya kahit may aircon sa ospital.... ang hygiene.

Wala dalawang oras ang nakakalipas kalong ko ang bata habang panay ang haplos sa katawan napansin kong matigas at maga ang binti niya kung saang paa nakasaksak ang dextrose. Ayoko munang tawagan si Nurse Bah kaya tinext ko muna si Doc kung normal bang mamaga ang pinagsasaksakan ng dextrose. Ang reply niya tatawagan daw niya yung resident doctor. Dahil hindi naman ako tiga row 4 nung bata, alam kong di normal yun. Wala kong choice kundi ang tawagin si Nurse Bah medyo matagal na rin kasi at wala pang pumapasok sa silid namin para tingnan ang bata.

"Nurse maga yung binti ng anak ko, pakitingnan naman."

Eto reply ni Nurse Bah, "ah kaya pala nag text si doc valenzuela" sabay sunod sa akin.

Kasabay ng matinding iling... tinganggal niya ang dextrose at sinabing tatawagin niya ang doctor on duty. Si Nurse Bah di rin pala marunong maglagay ng IV. Sabagay kahit marunong siya sa pakiramdam ko mamamaga lalo ang paa ng anak ko sa hawak pa lang niya. Nang ikakabit na ang dextrose at makita ng doktor ang dalang abbocath (isa sa natutunan ko sa hospital eto yung parang karayom na sinasaksak para pagdaluyan ng dextrose), hindi yan yung pang bata. At may sinabi siyang terminology na silang 2 lang ang nakakaintindi.

"Wala pong ganun doc eto po ang pang bata." Aba si Nurse Bah tinutuos ang doktor. Eh nabuksan na niya lalagyan.

"Hindi yan yung @#@% nga... yun ang pang pedia," giit ng doktor.

Nasabi ko na pabibili na lang kung wala nung size na sinasabi ng doktor sa halip na yung dala ni Nurse Bah ang ilagay na marahil eh kinamamaga ng paa ng bata. Lumabas ang doktor at pagbalik may dalang bagong abbocath, dilaw ang lalagyan at mas maliit sa unang binuksan ni Nurse Bah. Sa wakas naikabit na ulit ang dextrose at unti unti ng humina ang iyak ng anak ko na kanina pa nagpapalahaw.

Paglabas ng doktor si Nurse Bah, inadjust ang daloy ng dextrose... medyo binilisan. Patingin tingin sa relos at parang binibilang ang patak ng dextrose. Matuk lumabas na. awang awa na ako sa bata namawis kaiiyak. Haay pasasaan ba at lalabas din kami mapalitan lang ang nawalang tubig sa katawan ng anak ko.

Madaling araw na ng muli kong kinailangan ang serbisyo ng nurse. Ang dextrose na marathon sa bilis ang patak naubos. Di ko alam kung kailan nauubos dahil naidilip kaming mag asawa pagbabantay. Lumabas ulit ako ng kwarto na katapat lang ng nurse station. Muntik na akong mapatalon sa eksenang nakita ko. Nurse Bah pa rin ang nurse on duty at may makipot pero mahabang upuan kung saan siya nakahiga. Pambihira... pwede palang matulog ang nurse on duty at nakabalandra pa sa daan. Buti kung maliit siya.

"Nurse...nurse..." di natitinag si Nurse Bah.

Sa medyo mas malakas na boses,"Nurse ubos na ang dextrose." Wala pa ring Nurse Bah na tumatayo. Gusto ko ng dungulin ang upuang kinahihigaan tiyak, laglag si Nurse Bah pero nanaig ang makaTAO kong puso.

Sa talagang malakas ng boses,"Nurse pakipalitan yung dextrose ng bata naubos na."

Di ko man dinunggol ang upuan halos malaglag ang naalimpungatan na si Nurse Bah. May panis pa atang laway at medyo nagulong shower bangs... dumiretso sa kwarto namin. Para bang nagsisinungaling ako at gusto ko lang siyang gisingin sa sarap ng pagkakahimlay niya. Bumalik sa nurse station at kumuha ng panibangong dextrose. Nang mapalitan, inadjust ulit ang bilis ng daloy. Tumingin ulit sa relo niya na hindi naman digital at bumubulong bulong habang tinitingnan ang patak ng dextrose. Matuk at lumabas na. Tiningnan ko medyo mabagal ang patak ngayon sobrang bagal na makakailang malik mata ka bago pumatak ulit. Sa pakiwari ko dapat nakalagay sa doctors order kung gaano kabilis ang patak ng swero. Naisip ko na sa takot ni Nurse Bah na gisingin ko ulit siya kung sakaling mauubos ang dextrose kaya binagalan na ang patak.

Kinaumagahan di man lang nag 1/4 ang bawas ng dextrose. Ng tingnan ko, di na nga pala pumapatak at ayun hinihigop na ng plastic tube ang dugo sa paa ng bata. Lumabas ulit ako at ibang nurse na ang naka duty. Tawagin na lang nating siya Nurse Kah. Di hamak na maliit siya kay Nurse Bah... at lulumain ang high lights ni Lani Misalucha sa buhok niya. Medyo mukha din siyang si Elvira sa sobrang dark ng lipstick niya. Pambihirang Ospital to kakaiba ang mga nurse.

Walang tingin tingin sa relo (dahil wala siyang relo) at wala ring bulong bulong ... tiningnan lang niya ang patak ng swero at inadjust ito. Dag dag ni Nurse Kah nasa pwesto raw ng paa kaya di minsan pumapatak ang swero. Si Nurse Kah na rin ang nag palit ng ikatlong dextrose ng anak ko. Kinabukasan pa pala kami makakauwi haaay.

Sa pangatlong araw namin si Nurse Ah na ulit ang nurse on duty. Tinanong ko siya kung pwede naming makuha ang partial bill. Pwede daw sa ibaba sa billing. Bumalik ako sa kwarto at pinakiusapan ang asawa ko na siya na ang bumaba. Pagbalik niya wala pa raw tao sa billing dahil maaga pa masyado. Sinabi din niya na 4 days daw ang babayaran namin sa room. Di nga ako ganun kagaling sa math pero mahusay akong bumilang. Naitanong ko kung bakit 4 na araw. Tinanong daw niya si Nurse Ah at every 12 midnight daw ang cut off nila. Hmmm Linggo ng hapon kami pumasok... isang araw. Buong Lunes... pangalawang araw. Martes kasalukuyan kung 12 midnight man ang cut off di na ako makikipagtalo malabas kami ng hapon.. panagatlong araw lang.

Ako ang bumaba isang oras ang makalipas. Wala pa ring tao sa billing pero nasalubong ko si Nurse Ah at may kasamang isa pang nurse na tawagin na lang nating Nurse Dah.

"Nurse ilang araw na ba ang charge sa amin dito sa Ospital," tanong ko.

"Four days po." Nakangiti pa si Nurse Ah ng sumagot.

"Panong naging 4 eh 3 araw pa lang kami nag stay dito?"

"12 midnight po ang cut off," paliwanag ni Nurse Ah. Sumangayon din si Nurse Dah.

"Tingnan mo ha... Sunday pumasok kami hapon na yun pero sige bilangin nating isang araw yun. Then Monday, second day at ngayon 1pm daw kami lalabas sabi ng doktor. So bale 2 1/2 days lang pero sige kung pano man yang cut off niyo gawin na nating 3 days."

"Kaya nga po cut off memyang 12 midnight kaya 4 days na po."

Medyo nag iinit ang ulo ko sa simpleng math. " OO nga cut off nyo ng 12 midnight pero wala pang 12 midnight alas otso y medya pa lang ng umaga at lalabas kami ng ala una ng tanghali... at pangatlong araw pa lang namin ngayon Linggo...Lunes..Martes," sabay muwestra ng daliri baka sakaling mas maintindihan.

Makikipagtalo pa sana si Nurse Ah pero sabay tawa, "ay oo nga akala ko Miyerkules nan gayon."

HELLOOOOOOO. Natawa na lang ako kunyari pero sa loob loob ko B-O-B-O. Ilang beses na akong nag litanya ng Linggo, Lunes at Martes ngayon, tapos sasabihin mo akala mo Miyerkules.

Bago kami nakalabas na sana ala una ng hapon... pero halos als tres na ng makalabas kami, muntik na naman akong maging "Customer from Hell". Dahil ike-claim ko sa insurance ang gastos.. humingi ako ng charge slips para makita ang detalye ng charges sa statement.

5 abbocath --- 600.00
3 wee wee bag --- 210.00
4 D5 0.3 (medicine) --- 400.00
miscellaneous --- 500.00

Limang abbocath eh 2 beses lang natanggal ang dextrose ng bata. Isang beses lang kinuhaan ng wee wee at 3 dextrose lang ang naubos. Kailangan ko ng eksplanasyon, kahit pa insurance ang magbabayad. eto ang paliwanag ng nasa billing.. "yan po ang naka record ma'am. Yan ang bigay ng nurse. Dyan lang kami nagbabase ng charges."

Shempre nagtransform na ako, nandun si Nurse Dah, "paki check nyo naman ang records paanong nangyari yan kahit tanungin mo pa ang doktor, 3 dextrsoe lang ang nauubos, 3 beses din lang pinalitan ang abbocath at 1 beses lang nakunan ng wee wee ang bata."

Tatawagan pa daw yung mga nurse on duty yung isa daw papasok na. Papayag ba akong mag antay pa sa dami ng pinagdaanan namin sa Ospital na ito.

Sa kontroladong boses ito ang litanya ko "napakagulo nyo lalo na ang mga nurse nyo. Simpleng recording na lang nagkakamali na. Paglalagay ng dextrose kung walang doktor di kaya? Hindi na kami mauulit dito."

Lumabas ako para mahimasmasan. Ilang sandali lang bumalik si Nurse Dah at inabot ang billing namin paki check daw. Nabago lahat ng inireklamo ko. Bago lumabas dumaan kami sa Pedia ng anak ko at nagpaalam. Nagpaumanhin si Doc sa clinic na lang daw niya sa Delos Santos kami magkita sa mga susunod na araw. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.

Malaki ang respeto ko sa mga Nurse ilang beses na ring may na-Ospital sa pamilya ko at madalas na sa kanila pinagkakatiwala ang pasyente habang wala ang doktor. Gusto ko tuloy alamin kung mga registered nurse ba sila Nurse Ah, Bah, Kah at Dah. Baka sa ilalim lang ng basket ball court nag board exam ang mga lekat na nurse.

Wednesday, April 13, 2005

Eksenang Pang Fastfood....

Patok sa mga pinoy ang fastfood, mahilig kasi tayong ngumata. Kung mapapansin mo dumadami na ang mga fastfood chains na 24 hours and service. Marami ng nasusulat tungkol sa di magandang epekto ng lutong fastfood sa katawan ng tao... di daw healthy ang mga pagkain. Well kahit sa isang tulad ko na trying hard to go on diet ika nga, paminsan minsan naiisipan ko pa ring balikan ang nakagawian... ang pumila sa McDo, Jollibee, Wendys o KFC para bumili ng makakain.

Kagabi lang dumaan ako sa Jollibee matagal tagal na rin akong di nakakain dun kaya naisipan kong i-try ang kanilang bagong product ang Fish Fillet at Chicken Torpedo. Bago nyo husgahan ang appetite ko kaklaruhin ko lang na take out ito at kasama ko ang kapatid ko. Dahil likas ang pagka Lumen ko, naisipan ko bumili ng Chicken Torpedo at ipagpipilitan sa kapatid ko na Fish Fillet ang kainin para matikman ko din. Konti lang ang pila mga apat na counter ang bukas. Dahil naunang matapos yung counter sa kanan ko kesa sa pinilahan ko... naisipan kong lumipat para ako na kaso umalis yung crew. Pumunta siya sa likod at ng ilang segundo ng hindi bumalik agad naisip kong itanong sa isang crew kung babalik pa yung kahera cum order taker sa counter kung saan ako lumipat ng pila. "Ma'am closed na po yan." Oops masyadong maraming eksena sa MRT nung umaga kaya huminga ako ng malalim at lumingon sa unang counter na pinanggalingan ko. May 4 na nakapila kaya medyo naalarma ako inaantay ako ng kapatid ko sa taxi at kailangang madali (kaya nga ako sa fastfood bumili). Mabuti na lang pinasingit ako nung nasa pangalawa sa linya. GOOD sa loob loob ko. Nung ako na sinabi ko agad sa crew na kung magko close sila ng counter dapat lagyan nila ng (next counter please) kasi nami misled ang customers. Deadma lang siya... sa loob loob ko strike 1. "Ma'am ano po order nyo?"

"Chicken torpedo meal."

"Ano pong drinks?"

"Coke Lite no ice please, tsaka Fish fillet meal"

"Ma'am 8 minutes po." Strike 2!

"Ayoko na nagmamadali ako. Ano ang available?"

"Regular Yum at Regular Yum with Cheese and Mushroom"

"Yung Regular Yum with cheese and mushroom na lang."

"Ano po drinks?"

"Ganun din Coke Lite no ice. Available ba yung pocket pies"

"15 minutes po. Ilan?"

Fifteen minutes?! Eh diba nagmamadali ako? Strike 3 na ito. Nag iiba na ang mukha ko... naalala ko tuloy ang mga ka office mate ko madalas naming gawing biruan yung "parent from hell" kung saan nag tatransform ka unti unti from a nice Mom or Dad into a monster.

"Ayoko na nun."

Tik tak tik tak. Balik ang crew, wala palang Coke Lite. Sprite na lang. Strike 4! Eh wala naman pala akong choice eh di yun nga lang ang kinuha ko. Timpi... timpi... timpi at ng magbabayad na ako nag abot ako ng Php500.00.

"Wala pong lower bill or 120.00 na lang?"

Strike 5!!!!!! At naging parent from hell na nga ako.

"Problema nyo yan kung wala kayong panukli. Alas 10 na ng gabi wala kayong barya? Ang daming wala sa inyo ha! Jollibee number one corporation walang panukli? At fastfood kayo tapos 8 minutes 15 minutes bago makuha ang product? Pambihira!"

Madami pang gustong lumabas sa bibig ko pero kahit paano naawa na rin ako sa crew dahil kung nakakasunog ang boses malamang tostado na siya.

Sigurado akong may mga kani-kaniya tayong kakaibang experience sa mga fastfood chain. Ako di na mabilang, sa ngayon mga not so good ang naalala ko dahil sa winning moment na napala ko sa Jollibee kagabi.

Sa KFC minsang nagkayayaan kaming mag lunch sa office, excited kaming umorder ng 1 bucket ng manok na combination ng hot and crispy at original recipe. At ang kahindik hindik na sagot ng crew, "ay ma'am 15 minutes po? okay lang"

Automatic nag panting ang tenga ko eh Kentucy FRIED CHICKEN ata ang pangalan ng store nila at lunch time, tapos walang chicken? Shempre ang sagot ng mga customer from hell na tulad ko, "HINDI OKAY! pero may magagawa ba ako? eh chicken lang naman ang pwedeng ma lunch dito!" Di ba sasapian ka rin ng masamang espiritu pag ganito ang mga eksenag mapapasukan mo mo.

Di lang diyan nagtatapos ang ganitong indulto... sa Chowking Malolos matapos kong mag drive mula Manila papuntang Hagonoy at pabalik ng Malolos ng walang pahinga...nagutom kaming mag asawa. Dahil gabi na at tamad na rin kaming mag luto take out na siopao na lang ang naisip namin sa Chowking. Guess what.... YUN NA! Wala daw siopao. Putik, eto lang dinayo ko sa chowking. Di ba chinese fastfood restaurant ang Chowking tapos walang siopao.

"Pambihira! wala kayong siopao? Gutom na gutom ako at yan ang gusto kong kainin tapos wala kayong siopao?"

Akala mo ba magko-cross sell ng ibang product asus nangatwiran kinulang daw ang projection nila. Haay in 3 seconds customer from hell ulit ako....

"Di ko na problema yun! Ang sinasabi ko chinese fast food kayo wala kayong siopao. Coke Light na lang large no ice!"

"Wala pong softdrinks ma'am sorry."

Siguro ayaw mo ng marinig yung sinabi ko. YUN NA!

Tuesday, April 12, 2005

Another Box Office Hit...and the rest of the HITS

Maaga ako sa north station alas siete y diyes pa lang. Isang magandang pangitain dahil wala pa ang mga nag puprusisyon sa ibaba ng istastyon. Mapalad pa akong nasakay sa elevator maiksi lang kasi ang pila.

Pag dating sa 3rd floor...TING! gusto ko n sumakay ng elevator pabalik pero di ko magawa. Naalala ko tuloy ang kwento ng hipong tulog... hinahayaan na lang siyang tangayin ng agos ng tubig. Ang munting prusisyon ay nagsisimula na pala sa tuktok. Napilitan na rin akong pumasok... Balak ko sanang sa susunod na tren na lang sumakay pero tulad ng inaasahan nakapasok ako ng MRT ng di ko kinakailangan ihakbang na kusa ang mga paa ko.

Salamat sa libro at nalibang ko ang aking sarili. Nakarating ako ng Ayala ng di ko namamalayan. As usual siksikan ulit sa one way na escalator papanik at pila palabas... para na itong rosaryo alam mo na ang kasunod. But wait...amoy kape! ang mga tao nag kumpulan. Presto may libreng pakape... Blockbuster ito! Dati rati parang langgam na binuhos ang tao sa Ayala Station kung gano kabilis dumagsa ganun din kabilis mawala pero sa araw na ito espesyal ang scenario sa Ayala station. Naka tie... naka blazer...naka maong...naka rubber shoes kanya kanyang hanap ng pwesto habang humihigop ng libreng kape.

Alam ko hindi ako nakangiti pero ang kalooban ko ay bumubunghalit sa katatawa. Maliban sa pag aapply ng US VISA, Passport, pagsakay sa MRT may isa pang box office hit sa mga pinoy. Sa isang lugar na hindi normal na dinudumog siguradong crowd drawer ang kahit anong bagay na pinamimigay na libre. Sa hirap ng buhay ngayon...walang di papatol sa libre.

Sa SM Supermarket lang madalas sa frozen meat section may mga free taste test. Hotdog, ham, bacon etc. kahit never heard ang pangalan dinudumog panay ang kuha ng free taste test. May mga comments pa..hmmm masarap siya o minsan pede isa pa? pero sa tingin mo bibili? YUN NA!

Pati ang mga milk supplement pang bata. Madalas magtatayo ng booth sa mga grocery. Good for you kid's tummy...with DHA...ARA... ang siste sige kukuha ng sample ipainom sa anak kasehodang iba ang gatas na iniinom. Ang nakakatawa minsan pati matatanda umiinom din. Di na kakayanin ng gatas mapunan ang kakulangan sa utak nila. Tulad ng pakiramdam ko sa MRT kanina bago bumaba humahagalpak ang loob ko kakatawa.

Sigurado kahit minsan naabutan ka na rin ng free sampler ng kung anong produkto. Napkin, shampoo sa sachet, pulbos, facial wash etc. Madalas kaysa hindi bumabalik pa sa pila ang iba para makadoble ang hingi...kung minsan pag matigas tigas ang mukha, hantaran ng humihingi ng extra. Naalala ko tuloy yung isang pinsan ko... minsan nakasama ko sa isang maliit na grocery sa amin, litanya ng litanya allergic daw siya sa Modess...matapang ang amoy ng napkin etc. etc. para kumuha ng isang brand na hiyang daw niya. In short never heard... akala ko toothpaste lang ang may ganoong pangalan. Nang minsang magawi kami sa SM at may libreng Modess (unang individually wrapped napkin) hinatak ako para pumila kumuha daw kami nuninuninu... at kinuha pa yung nakuha ko. Kanya na lang daw.

Ang libre nga naman box office hit sa pinoy kaya dito sa pinas masisira ang ulo ng mga nag po product research and testing... tinatanong mo pa.